METRO MANILA – Nagbabala ang Department of Education – Alternative Learning System (DepEd ALS) sa mga gumagamit o naglalagay ng pangalan ng ALS o ALS 2.0 sa kanilang mga social media page na hindi official page o group ng pamunuan.
Pinag-iingat ng ahensya ang publiko na huwag tumangkilik o makipag-ugnayan sa mga social media page o facebook group na hindi awtorisado.
Pinaalalahanan naman ng DepEd ALS na tiyakin na ang kinabibilangang grupo ay ginagabayan ng mismong guro ng ALS.
Nagpaalala ang pamunuan ng ALS sa mga Implementor at ALS Teacher na nangangasiwa sa mga page o group na may kinalaman sa Alternative Learning System na siguraduhing nakasaad ang lugar ng pinangangasiwaang social media page o facebook group.
(Jeth Bandin | La Verdad Correspondent)