DepEd, nagbabala sa mga ‘di opisyal na anunsyo ng suspensyon ng klase sa social media

by Radyo La Verdad | November 21, 2017 (Tuesday) | 7083

Nagpaalala sa publiko ang Department of Education na sa mga official social media accounts lamang ng kagawaran magbatay kaugnay ng mga abiso ng class suspension.

Bunsod ito ng mga kumalat sa social media kahapon na umano’y pagdedeklara ng suspensyon ng klase ng kagawaran sa November 23, 24, 27, 28 at 29.

Ipinakalat umano ng facebook page na “walang pasok advisory” ang naturang class suspension announcement. Paglilinaw ng DepEd, hindi sa kanila nagmula ang impormasyong ito.

Para sa anomang mga opisyal na abiso mula sa kagawaran, bumisita sa kanilang mga social media accounts:

Facebook – DepEd Philippines

Twitter – @DepEd_PH

Website – www.deped.gov.ph

 

Tags: , ,