Muling ipinaalala ng Department of Education (DepED) ang panuntunan para sa suspensyon ng klase tuwing may bagyo.
Ayon sa DepED, kung signal number 1 ay otomatikong walang pasok sa preschool at kindergarten, private man o pampublikong paaralan.
kapag signal no. 2 naman, walang pasok sa elementarya at sekondarya at hindi na kailangan ang anunsyo mula sa DepED.
Kung signal number 3, kanselado na ang klase sa lahat ng level, maging ang trabaho sa mga tanggapan ng kagawaran.
Kung wala namang nakataas na babala ng bagyo subalit masama ang lagay ng panahon, ipinauubaya na sa local government units (LGUs) ang pagdedeklara ng class suspension.
Nasa diskresyon na rin ng mga magulang kung papapasukin sa paaralan ang kanilang mga anak kapag masama ang lagay ng panahon.
(UNTV RADIO)