DepEd, kinumpirma ang memo na nag-aatas na alisin ang ‘Diktadurang Marcos’ sa curriculum

by Radyo La Verdad | September 12, 2023 (Tuesday) | 4364

METRO MANILA – Kinumpirma ni Department of Education (DepEd) Bureau of Curriculum and Teaching Director Joyce Andaya, ang isang memo na nag-aatas na gawing ‘Diktadura’ na lamang ang  terminong ‘Diktadurang Marcos’ sa salitang ginamit sa Araling Panlipunan Curriculum sa Grade 6.

Ayon kay Andaya, ginawa ito ng Bureau of Curriculum Development at ipinadala sa kaniyang opisina.

Pero paliwanag ni Andaya, parte lamang ito ng kanilang internal process.

Hindi pa aniya ito pinal, dahil dadaan pa ang memo sa vetting process sa pilot implementation ng K to 10 curriculum ngayong taon.

Pinabulaan din ni Andaya na isa itong uri ng historical revisionism.

Aniya tatalakayin pa rin naman sa mga pagtuturo ang totoong mga nangyari noong martial law.

Iginiit din nito na walang political pressure sa pag-aalis sa pangalang ‘Marcos’ mula sa ‘Diktadurang Marcos’, ayon kay Andaya ang memo ay isang academic discourse habang nirerepaso ang curriculum.

Tags: