Muling nagpaalala ang Department of Education (DepEd) sa mga nangangasiwa sa mga paaralan sa bansa na bumuo at magmantine ng Child Protection Committee.
Bunsod ito ng sunod-sunod na ulat ng mga pang-aabuso sa loob at labas ng paaralan.
Batay sa DepEd Order no. 40 o Child Protection Policy, obligasyon ito ng mga eskwelahan na kalingain at gabayan ang mga kabataang biktima ng anomang uri ng pang- aabuso.
Binubuo ang komite ng mga guro, guidance counselor, student council at maging ng kinatawan mula sa nakakasakop na barangay sa isang paaralan.
Nagpapaalala naman ang isang child protection specialist na hindi kinakailangang patawan ng violent disciplinary action ang mga estudyanteng nakalalabag sa anomang school policy.
Ginawa ng DepEd ang paalala matapos iulat ng United Nations Childrens Fund (UNICEF) na 3 sa bawat limang batang Pilipino ay naabuso at madalas ay malapit sa pamilya o kamag- anak rin ng biktima ang salarin.
Ayon pa sa UNICEF, kadalasang sinasamantala ng mga perpetrator ang kawalang kamalayan ng mga biktima at takot ng mga ito na magsumbong.
( Aiko Miguel / UNTV Correspondent )
Tags: Child Protection Committee, DepEd, UNICEF