DepEd, gagamit ng E-books bilang bahagi ng new normal sa larangan ng edukasyon sa bansa

by Erika Endraca | May 1, 2020 (Friday) | 13422

METRO MANILA – Isa sa mga solusyon na nakikita ng Department of Education (DepEd) para patuloy na maturuan ang mga kabataan sa panahon na patuloy ang pangambang dulot ng covid-19 sa bansa ay ang paggamit ng Electronic Books o E-Books.

Ayon kay Director Abram Abanil ng Information and Communication Technology Service ng DepEd, pinaghahandaan na ng ahensya ang pag gawa ng mga E-books na gagamitin sa pagtuturo sa mga bata kahit na wala ang mga ito sa paaralan.

“Incase magkaroon ng class suspensions or hindi pwede pumasok yung bata, bawat linggo ng ating school calendar, magkakaroon yan ng ebook for each grade level and each subject ah each subject area” ani DepEd Information and Communication Technology Service Director Abram Abanil.

60 E-books ang target na magawa ng DepEd bawat linggo.

Nasa 1700 personnel ng DepEd ang sumailalim sa training sa paggawa ng E-books.

Patuloy din ang ahensya sa pagsasagawa ng mga online trainings o webinars sa mga guro sa buong bansa.

Ayon kay Abanil, nasa 900,000 ang bilang ng mga guro sa bansa.

Nasa 70,000 dito ay sumailalim na sa online training sa paggamit Dg Ebooks sa pagtuturo.Nibre ang access sa mga Eboks sa website ng DepEd na DepEd commons.

At para matiyak na magagabayan ang mga bata sa kanilang pag-aaral kahit na wala sila sa paaralan, kailangan ng suporta ng mga magulang.

“Ang DepEd makapagbigay kami ng mga activities, makapagbigay kami ng tools sa inyo using technology pero nasa magulang talaga ang pag supervise ng mga bata para gagamitin itong mga tools at activities na ‘to para matuloy naman ang mga pag-aaral ng ating mga kabataan.” ani DepEd Information and Communication Technology Service Director Abram Abanil.

(Vincent Arboleda | UNTV News)

Tags: