DepEd-BARMM, handa na sa face-to-face classes

by Radyo La Verdad | January 23, 2022 (Sunday) | 4490

Nakahanda na ang Department of Education-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (DepEd-BARMM) sa muling pagbubukas ng face-to-face classes ngayong Pebrero 14, 2022.

Ayon kay Minister Mohagher Iqbal ng Ministry of Basic, Higher, and Technical Education (MBHTE)-BARMM, dumaan sa mahigit 7 buwang pagpupulong ang ginawa ng school officials at administrators bago maging handa sa nasabing hakbang.

Nitong Huwebes (January 20), lumagda na sa kasulatan o Inter-Ministry Memorandum Circular (IMMC) para sa pagpapatupad ng F2F classes sa mga piling lugar sa rehiyon kung saan kabilang sa lumagda ang MBHTE-BARMM, Ministry of the Interior and Local Government, Ministry of Social Services and Development, at Bangsamoro Planning and Development Authority.

Batay sa nilagdaang IMMC, isa sa pangunahing tungkulin ng mga opisyal ay ang subaybayan ang mga estudyanteng nasa Kinder hanggang Grade 12 na kabilang sa pilot implementation ng face-to-face classes, paggamit ng Adaptive Learning Modality (ALM) at ang Islamic Sudies and Arabic Language (ISAL) na marapat na kasama sa learning sessions ng bawat estudyante.

Tinitiyak naman ni Iqbal, na magkakaroon ng mahigpit na pagpapatupad ng health and safety protocols sa bawat paaralan na kabilang sa implementasyon.

(Renee Lovedorial | La Verdad Correspondent)

Tags: ,