DepEd-Baguio, aminadong kulang pa ang kanilang mga pasilidad para sa senior high school

by Radyo La Verdad | May 25, 2016 (Wednesday) | 1185

senior-high-school
Aminado ang Department of Education Baguio City na hindi pa sapat ang kanilang mga pasilidad para sa full implementation ng K to 12 program ngayong 2016.

May mahigit limang libo nang enrollees para sa Senior High School sa lungsod ngunit wala pa silang sapat na classrooms at kagamitan.

Apat na track ang maaaring kunin sa senior high school gaya ng academic, arts and design, sports at technical-vocational-livelihood tracks.

Pagkatapos ng senior high ay maaari na sila agad mamasukan kapag nabigyan ng competency-certification ng TESDA.

(UNTV NEWS)

Tags: