Department of Tourism, nanindigang hindi plagiarized ang bagong tourism advertisement

by Radyo La Verdad | June 13, 2017 (Tuesday) | 4160


Inulan ng mga batikos ang kakalabas lang na tourism campaign video ng Department of Tourism dahil sa umanoy malaking similarity nito sa campaign ad ng South Africa noong 2014.

Ito ang “sights”, ang pinakabagong tourism advertisement na inilibas ng Department of Tourism kahapon para i-promote ang ganda ng Pilipinas.

Sa video, makikita si M. Uchimura, isang Japanese retiree, na lumilibot sa ibat ibang parte bansa at ine-enjoy ang kagandahan ng paligid at kultura ng Pilpinas.

Sa huli ng video, doon lang ipinakita na bulag pala siya.

Ang mensahe ng tourism ad na ito ng dot sa huli ng video… hindi mo kailangan makakita para maramdaman na at home ka sa Pilipinas at mas masya ang buhay kapag kasama ang mga Pilipino.

Ang naturang video na ito kinumpara sa kaparehong konsepto ng South African tourism ad noong 2014 na gumamit din ng isang bulag na lalaki na manghang mangha sa ganda ng South Africa.

Sa isang press conference kanina, nanindigan ang Mccann World Group Philippines na siyang gumawa ng video hindi nila kinopya ang konsepto ng ad, anila, hango sa totoong storya ng isang Japanese retiree ang tourism ad ng DOT.

Dinepensahan din ng Department of Tourism ang inilabas nila na video.

Sinabi ng Mccann na marami silang pinagaralan na iba’t-ibang campaign videos bago nila nabuo ang konsepto ng tourism ad na ito, pero hindi nila inamin kung kasama ba ang south african ad sa mga tiningnan nila.

Ayon naman sa dot, wala silang balak na i-pull out ang nasabing tourism ad, at hindi pa napapag-usapan kung i-eedit pa ang nasabing video.

Katunayan, aasahan pa na maglalabas pa ng tourism videos ang dot ngayong taon na gagawin pa rin ng Mccan World Group Philippines.

Hindi ito ang unang pagkakataon na binatikos ang campaign ad ng dot dahil sa isyu ng plagiarism.

Maaalalang 2010 rin ay nagkaroon din ng isyu ang slogan na it’s more fun in the Philippines na anila, ginaya rin ang 1951 tourism slogan ng Switzerland.

Nagpaliwanag naman ang DOT kung bakit isinusulong nila ang bagong slogan na Experience the Philippines, anila, ito ay pagiging sensitive sa mga pangyayari sa bansa partikular sa Marawi City.

(Joyce Balancio / UNTV Reporter)

Tags: