Department of Finance, iginiit ang pagpapasa ng panukalang tax reform upang mapondohan ang mga proyekto ng Duterte Administration

by Radyo La Verdad | January 27, 2017 (Friday) | 2439


Target ng Department of Finance na madagdagan ang pondo ng pamahalaan ng one trillion pesos bawat taon upang maipatupad ang malalaking proyektong pang-imprastraktura sa bansa.

Subalit hindi ito magagawa kung hindi maipapasa ang panukalang tax reform ngayong taon.

Sa ilalim ng proposed tax reform for acceleration and inclusion, bababa ang halaga ng personal income tax;subalit tataas naman ang buwis na babayaran ng mga nasa upper class, palalawigin ang Value Added Tax o VAT system at lilimitahan ang VAT exemption sa raw food materials at iba pang pangangailangang pang-edukasyon at pangkalusugan.

Ngunit ayon sa Department of Finance, mananatili pa rin naman ang VAT exemption para sa senior citizen at PWDs; habang staggered ang gagawing pagtataas ng excise tax sa lahat ng produktong petrolyo.

Mas mataas na rin ang babayarang buwis kung bibili ng mamahaling sasakyan.

Kung maisasakatuparan ito, tinatayang aabot sa 162.5 billion pesos ang net revenue ng pamahalaan para sa taong 2018.

Apela ng Finance department, mas maraming Pilipino ang makikinabang sa tax reform package dahil bababa ang babayarang buwis at mas malaki ang take home pay ng majority ng tax payers.

(Rosalie Coz / UNTV Correspondent)

Tags: ,