Department of Energy nagpapasalamat sa mga Consumer dahil a pagtugon sa panwagan na magtipid sa pagkonsumo ng kuryente ngayong Summer

by Radyo La Verdad | May 25, 2015 (Monday) | 1274

File photo
File photo

Nagpapasalamat si Department of Energy Sec. Jericho Petilla sa pagtugon ng consumers sa panawagan ng kagawaran na magtipid sa paggamit ng kuryente.

Ayon sa kalihim bagaman mainit ngayon, normal pa rin ang suplay ng kuryente sa bansa at maliit lamang ang posibilidad na magkaroon ng brownout ngayong summer season.

“I’m also glad I was talking to Cong.Rey Umali,we have not reached the 9,100 megawatts peak demand that we’re expecting and I’d like to believe people are actually also conserving.We’d like to continue to tell the public we’re not over the summer yet in fact the projection of PAGASA right now is that rainy season will start on June 15,” pahayag ni Petilla

Inaasahan din umano nila na dapat buwan pa lang ng Abril ay mararamaman na ang epekto ng El Niño sa bansa pero ngayong Mayo pa lang nagsisimula na itong maramdaman sa Luzon at Metro Manila.

Wala din naman dapat ikabahala ang mga consumer dahil sapat pa ang suplay ng tubig mula sa mga dams na pinanggagalingan ng tubig sa Luzon at Metro Manila.

Ayon naman kay Oriental Mindoro Representative Reynaldo Umali dahil sa pagtitipid ng consumers nakatulong ito upang hindi magamit ang Interruptible Load Program ng Gobyerno at nakatipid ng 6 Bilyong pisong pondo.(Aiko Miguel, UNTV Radio Correspondent)