Department of Education, aminadong nagkakaroon ng delay sa konstruksyon ng mga silid-aralan

by Radyo La Verdad | May 30, 2018 (Wednesday) | 2136

Aminado ang Department of Education (DepEd) na problema pa rin hanggang ngayon ang pagkaka-delay ng konstruksyon ng mga silid-aralan sa bansa.

Ayon kay DepEd Sec. Leonor Briones, kakulangan sa  lugar ang kanilang nakikitang problema kaya naaantala ang pagpapagawa ng mga bagong classroom.

Ipinaliwanag rin nito na hindi madali ang magtayo ng tatlo hanggang apat na palapag na gusali dahil mahabang proseso pa ang kailangan.

Mula 2015-2018 , nasa 17,256 classrooms na ang nakumpleto ng DepEd at inaasahang madadagdagan ito ng 6,598 ngayong pasukan.

 

( Janice Ingente / UNTV Correspondent )

Tags: ,