Pag-aaralan muna ng Department of Agriculture kung dapat na nga bang umangkat ng bigas ang bansa.
Ayon kay Agriculture Secretary Emmanuel Piñol, sa paglilibot nito sa iba’t-ibang lugar ay marami pang nakatanim na palay.
Nais lamang nitong makumpirma ang dami ng posibleng anihin sa pamamagitan ng kuha ng satellite sa ilalim ng PRISM project.
Ayon kay Piñol, dapat ay bumili na lamang sa mga lokal na magsasaka ang National Food Authority.
Ayon naman sa NFA, hindi sila makabili sa mga magsasaka dahil mas mataas ang bili ng mga dealer.
Gusto sana ng NFA na madagdagan ng 250 thousand metric tons ang kanilang imbak na bigas.
(Rey Pelayo)