Department of Agriculture, may cash for work program para sa mga magsasakang naapektuhan ng El Niño phenomenon

by Radyo La Verdad | April 11, 2016 (Monday) | 8113

JAPHET_SEN.VILLAR
Maaari nang mag-avail ng cash for work program ng Department of Agriculture ang mga magsasakang matinding naapektuhan ng el nino phenomenon.

Ayon kay Senate Committee on Agriculture and Food Chairperson Cynthia Villar, noong 2015 pa inihanda ang pondo para sa magiging epekto ng el nino phenomenon gayundin ang pagpapatupad sa action plan ng pamahalaan.

Ayon kay Sen. Villar, dapat makipag-ugnayan ng mga magsasaka sa lokal na pamahalaan upang makakuha ng karampatang ayuda.

Sa ilalim ng programa, maaaring bigyan ng emergency financial assistance ang mga magsasaka kapalit ng ilang proyekto upang may income pa rin sila kahit wala silang inaaning pananim.

Ngunit kailangang ma-validate kung totoong apektado ng el nino ang isang magsasaka bago sila mabigyan ng pondo.

Samantala, ayon kay Eastern Visayas Department of Agriculture Regional Director Leo Cañeda, hindi naman masyadong naapektuhan ng tagtuyot ang rehiyon dahil maagang nagtanim ang mga magsasaka.

Karamihan din ay nakapag-ani na ng mga palay.

May naiulat lamang na ilang natuyong palaisdaan sa Samar area ngunit hindi naman gaanong nalugi ang mga may-ari nito dahil hindi na sila naglagay ng fingerlings bunsod ng maagang impormasyon ukol sa El Niño.

Bahagya lang din ang nararamdamang tagtuyot sa Eastern Visayas dahil may nararanasan pa rin namang pag-ulan sa ilang lugar.

(Jenelyn Gaquit / UNTV Correspondent)

Tags: ,