Denuclearization sa Korean Peninsula, ipinanawagan ng Asean ministers

by Radyo La Verdad | August 7, 2017 (Monday) | 1413

Nababahala ang Asean Members State sa muling ginawang intercontinental ballistic missile testing ng Democratic Peoples Republic of Korea noong July 4 at 28.

Dahil dito sa isang statement noong sabado ay muling ipinanawagan ng mga ito ang denuclearization o pag-aalis ng mga nuclear weapons sa Korean Peninsula

Ayon DFA spokesperson Robespierre Bolivar, nanawagan din ang Asean ministers sa North Korea na gawin ang bahagi nito bilang participant ng Asean Regional Forum upang mapanatili ang kapayapaan at pagkakaisa sa Asia Pacific Region.

Samantala, isa namang bagong sanction ang inilabas ng United  Nations Security Council para sa North Korea dahil sa pinakahuli nitong intercontinental ballistic  test.

Ang US-drafted resolution ay nagba-ban sa North Korean exports gaya ng  coal, iron, iron ore, lead, lead ore at seafood.

Inaasahang 1 bilyong  US dollars  ang mababawas sa annual export revenue ng bansa dahil dito.

 

(Nel Maribojoc / UNTV Correspondent)

 

 

Tags: , ,