METRO MANILA – Hindi nakaporma ang defending champion AFP Cavaliers sa inihandang mga bala ng rookie team DENR Warriors sa kanilang bakbakan sa game 1 ng best of 3 Championship series ng UNTV Cup Season 8 sa Paco Arena sa Maynila.
Mula umpisa hanggang sa matapos ay kontrolado ng Warriors ang ball game.
Sa first quarter, kaagad binomba ng 6 na 3 points shot ng DENR ang AFP upang ilista ang 28-17 advantage.
Sa second quarter nanatili sa warriors ang momentum ng ballgame sa score na 43-34
Pagpasok 3rd quarter naibaba ng AFP sa 5 puntos ang abante ng DENR.
Pero bumuwelta agad ang warriors upang iakyat sa 11 puntos ang kanilang kalamangan, sa score na 54-65
Lomobo pa sa 19 na puntos ang abante ng DENR sa AFP sa unang minuto ng last quarter.
Pinilit na makahabol ng Cavaliers at naibaba sa 9 na puntos ang abante ng DENR makalipas ang 5 minuto.
Subalit sadyang napaghandaan ng Warriors ang Cavaliers at mabilis na nakapag aadjust ang koponan ni Coach Norlito Eneran. Nagtapos ang laban sa score na 90-73
Samantala full support naman ang mga empleyado ng Department of Natural Resources (DENR) sa kanilang koponan, sa pangunguna nina Secretary Roy Cimatu, Undersecretary Ernesto Adobo at Undersecretary Benny Antiporda.
Tags: UNTV Cup Season 8