METRO MANILA – Dumadagundong ang The Big Dome sa lakas ng hiyawan ng fans ng Warriors at Cavaliers sa Game 2 ng Best of 3 Series ng Untv Cup Season 8 Finals Kagabi (March 9).
Animo’y bakbakan ng 2 sikat na koponan sa NBA ang sagupaan ng Armed Forces of the Philippines at Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Kaagad naka ungos ng 7 puntos ang Warriors sa first quarter sa pangunguna ni Ralph Lansang na nagbuslo ng 2 mula sa 3 point area na sinundan pa ng tig-1 nina Melvin Bangal at Parrenos sa rainbow country.
Sumagot si Eugene Tan ng 2 at 1 naman si Boyet Bautista, 20 -13. Sa second quarter, nagtulong ang 3 Bigmen ng DENR na sina Ed Rivera , Ralp Lansang at Archie Gamboa na may combined 24 points upang palobohin pa sa 15-puntos ang abante, 49-34
Sa 3rd quarter , umabot pa sa 20 puntos ang abante ng DENR. Subalit rumatsada sa opensa si Boyet Bautista para sa Cavaliers ng 15 points, kasama ang 3 na nakangingilong tira sa 3.
Habang nagambag naman sa lowpost si Rolando Pascual ng 7 points at si Lumunsod ng 5 points para idikit sa 73-67 , anim na lamang ang abante ng DENR.
Sa 4th quarter, hindi pa rin sumuko ang defending champion at nakipag pukpukan sa rookie team. May kabuuang 22 puntos sa quarter na ito sina Jerry Lumungsod, Boyet Bautista , Romeo Almerol at Darwin Cordero.
Umangat si Ed Rivera ng DENR sa kaniyang napakahalang 10-points at dalawang 3 na naipasok ni Ryan Abanes. Kinapos na ng oras ng Cavaliers at yumukod sa Warriors sa final score na 99-91
Finals most valuable player si ed rivera dahil sa ipinamalas nitong bangis sa hardcourt na kumamada ng 24 points,4 rebounds at isang block.
Si Ralp Lansang ay may 22 points para sa DENR , 20 points si Ryan Abanes at Archie Gamboa ng 11 points. Nanguna naman sa Cavaliers si Bautista na may 29 points ,Romeo Almerol ng 17 points at si Jerry Lumongsod ng 15 points at 11-points naman si Darwin Cordero.
(Bernard Dadis | UNTV News)
Tags: UNTV Cup Season 8