METRO MANILA – Muling naglabas ng Cease and Desist Order (CDO) ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Urdaneta City engineered sanitary landfill sa Pangasinan dahil sa paglabag sa
Republic Act 9275 or The Philippine Clean Water Act of 2004 at RA 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000.
Matatandaang unang naglabas ng CDO ang ahensiya noong March 5, 2021 dahil din sa parehong paglabag sa nasabing batas.
Sa follow-up inspection na isinagawa ng DENR’s Environmental Management Bureau-Region 1 (EMB-Region 1), nadiskubre na patuloy pa rin ang ginagawang pagtatapon ng basura sa lugar sa kabila ng pagbabawal na gawin ito.
Napag-alaman din ang hindi otorisadong pagbubukas sa storm drainage pond at canal na umahangga sa Sinocalan River.
Ayon kay Environment Secretary Roy Cimatu, ang pagpapasara sa naturang sanitary landfill ay bahagi ng commitment ng ahensiya sa mahigpit na pagpapatupad ng RA 9275 at RA 9003.
(Kyle Nowel Ballad | La Verdad Correspondent)
Tags: DENR