Apat na pung porsyento o nasa tatlong daang establisyemento sa Boracay ang hindi sumusunod sa sewarage regulation na nagdudulot ng polusyon sa dagat ayon kay Environment Secretary Roy Cimatu.
Kasunod nito, pormal nang inanunsyo ni Secretary Cimatu ang pagpapasara sa mga non-compliant establishments.
Nauna nang sinisi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga lokal na opisyal sa Boracay dahil sa pagpayag na maitayo ang ilang commercial establishments ngunit hindi maayos na namomonitor kung sumusunod ang mga ito sa sewerage regulations.
Samantala, tinanggap naman ni Cimatu ang hamon ng Pangulo na tapusin ang paglilinis at pagsasaayos ng Boracay sa loob ng anim na buwan.
Isinagawa ni Cimatu ang anunsyo sa paglulunsad ng Green Film Festival ngayong taon, kung saan idinetalye ng kalihim ang mga pangunahing hamong kinakaharap ng kagawaran kabilang ang polusyon sa hangin, ang paglilinis at ang paglilinis ng maduming Manila Bay at Solid Waste Management.
( Leslie Longboen / UNTV Correspondent )
Tags: Boracay, DENR, sewarage regulation