Dengvaxia vaccines, kailangang pag-aralan pang mabuti ng mga eksperto bago muling ipagamit sa mga Pilipino – DOH

by Erika Endraca | August 12, 2019 (Monday) | 5937

MANILA, Philippines – Maglalabas ng desisyon ang Department of Healh (DOH) sa August 19 kung muling gagamitin o hindi ang Dengvaxia Vaccines sa bansa.

Ayon sa DOH hindi naman ito agad agad na magagamit sakaling positibo ang magiging resulta ng pag-aaral ng mga eksperto sa naturnag bakuna.

Dadaan aniya ito sa mahabang proseso bago ito mabigyang ng Cetificate of Product Registration (CPR) mula sa Food and Drug Administration (FDA). Ito ay dahil may re-labeling at pagpapalit ng indikasyon sa naturang bakuna.

Matatandaang pebrero nitong taon, na- revoke ang CPR ng dengvaxia sa bansa dahil kulang ang mga dokumetong isinumite ng French Pharmaceutical Company na Sanofi Pasteur na mga dokumento upang mairehistro ito sa bansa .

Noong nakaraang linggo, humiling ang Sanofi sa DOH na muling ikonsidera ang paggmit ng Dengvaxia sa bansa.

“Meron din tayong national immunization council, sila ang nag-aaral at nagde-decide kung ano iyong kasama sa ating immunization program and this can also be convened kung sakaling kakailanganin” ani DOH Spokesperson, Usec Eric Domingo.

Samantala, tumaas pa ang kaso ng dengue sa bansa batay sa pinakahuling tala ng DOH.

Batay sa tala ng ahensya, mahigit 167,000 dengue cases sa Pilipinas mula Enero hanggang Hulyo ngayong taon. Umabot na rin sa 661 ang nasawi dahil sa dengue.

Ayon sa DOH doble ang itinaas ng kaso ng dengue ngayong taon kung ikukumpara sa naparehas na panahon noong nakaraang taon. 10 rehiyon na rin ang kasama sa Dengue Epidemic Treshold.

Kabilang dito ang CALABARZON, MIMAROPA, Central Visayas, at BARMM. Nasa alert treshold naman ngayon ang Ilocos at National Capital Region

“Iyong dengue season natin kasi kahit na right after na matapos ang rainy season mayroon pa rin tayong mosquitoes. So we are expecting the cases na talang peak natin August, September, October hanggang November minsan ang mag- start pa lang decrease ng December” ani DOH Spokesperson, Usec Eric Domingo.

(Aiko Miguel | Untv News)

Tags: ,