Dengvaxia vaccine, pinatatanggal ng ng FDA sa merkado

by Radyo La Verdad | December 6, 2017 (Wednesday) | 8945

Batay sa inilabas na advisory ng FDA noong December 4, inatasan nito ang pharmaceutical company na Sanofi Pasteur na itigil na ang pagbebenta at pagpapalaganap sa merkado ng Dengvaxia dengue vaccine habang nagsasagawa ng pagsisiyasat dito.

Dapat rin na magsagawa ng information dissemination campaign ang Sanofi sa pamamagitan ng advisories, letters to doctors at patient fora.

Hinihikayat rin ng DFA ang publiko na ipag-bigay alam agad sa Department of Health ang anumang insidente o pangyayari na posibleng naging epekto ng pagpapabakuna ng Dengvaxia.

Sagot naman ng Sanofi na tutugon sila sa direktiba ng FDA. Sa isang statement sinabi ng pharmaceutical giant na nagsumite na sila ng label update sa tamang gamit ng naturang bakuna at ang pagkakaiba ng epekto nito sa isang hindi pa nagkaroon ng dengue. Nilinaw rin ng Sanofi na walang halong anomang virus lalo ng dengue virus ang Dengvaxia.

Samantala, sinabi ng Department Of Education na bagaman sinimulan ang school- based immunization program sa nakalipas na administrasyon, responsibilidad din ng kasalukyang adminstrasyon na bantayan ang kalagayan ng mga estudyanteng binakunahan nito.

Samantala, ayon kay Senate Committee on Health na si Senator Joseph Victor Ejercito, bibisita sa bansa ang ilang kinatawan mula sa World Health Organization upang alamin ang tungkol sa isyu ng Dengvaxia.

 

( Aiko Miguel / UNTV Correspondent )

Tags: , ,