Dengvaxia monitoring app, inilunsad ng DOH at DepEd

by Radyo La Verdad | July 17, 2018 (Tuesday) | 5555

Online, digital at realtime na ang magiging monitoring sa mga Dengvaxia vaccinees simula sa katapusan ng Agosto.

Ito ay sa pamamagitan ng ilalabas na Dengvaxia mobile monitoring apps na Abizo at Kaizala mobile apps para sa Android, iOS at Microsoft phone users na magiging accessible sa mga magulang, guardians at mga guro na may mga anak at estudyante na Dengvaxia vaccinees.

Sa pamamagitan ng mga monitoring apps, maaaring mai-report ng magulang kung ano ang kalagayan ng kanilang mga anak na vaccinees.

Layon ng DepEd at DOH na mapabilis ang pagtugon ng mga kagawaran at LGUs sa pagbibigay ng agarang lunas at magamot ang mga Dengvaxia vaccinees sa kanilang mga karamdaman.

Makakatulong din aniya ang monitoring apps upang matukoy kung aling mga lugar ang posibleng magkaroon ng epidemic sa pagtaas ng kaso ng mga nagkakasakit na vaccinees dulot ng Dengvaxia.

Tinitiyak naman ng DepEd at ng mga stakeholder na protektado ng National Privacy Act ang data sharing sa pagitan ng deped,doh at mga user gamit ang mobile apps.

 

( Aiko Miguel / UNTV Correspondent )

Tags: , ,