Tutulong ang grupong Gabriela sa pag-monitor sa mga batang nabakunahan ng Dengvaxia, gayundin para mapanagot ang mga taong nag-apruba sa pagbili ng kontrobersiyal na bakuna.
Nais din ng grupo na mabigyan ng 16,000 pesos na financial assistance o immediate monetary relief ang mga batang nagkakasakit matapos mabakunahan ng nasabing anti-dengue vaccine.
Bilang tulong ng grupo, isang hotline naman ang kanilang binuksan upang makatulong sa pagmomonitor ng mga batang naturukan ng Dengvaxia vaccine.
Bukas ang kanilang tanggapan mula alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon, Lunes hanggang Linggo.
Bagama’t nagdulot ng pangamba ang kontrobersyal na anti-dengue vaccine, para sa isang dating opisyal ng Department of Health, may positibo ring epekto ang isyu.
Dagdag rin ni dating DOH Undersecretary Ted Herbosa, hindi dapat katakutan ng publiko ang lahat ng uri ng bakuna lalo na ngayong panahon kung kailan nauuso ang tigdas.
( Abi Sta. Ines / UNTV Correspondent )