Dengue cases sa bansa umabot na sa mahigit 100,000 – DOH

by Erika Endraca | August 1, 2019 (Thursday) | 4904

MANILA, Philippines – Patuloy pa rin ang paglobo ng kaso ng dengue sa bansa na umabot na sa mahigit 130,000 ang naapektuhan mula Enero hanggang kalagitnaan nitong Hulyo ayon sa Department of Health (DOH).

Halos doble na ito ng naitalang kaso sa kaparehong mga buwan noong 2018.Habang mahigit 500 na ang namatay dahil sa dengue ngayong taon.

“Dumadami pa rin ang cases natin and nag-activate naman na tayo ng regional health clusters ng ndrrmc.” ani DOH Spokesperson Undersecretary Eric Domingo.

Sa ngayon ay nananatiling nakataas ang national dengue alert dahil patuloy na nadaragdagan ang mga lugar na nakararanas ng dengue epidemic level.

Kabilang dito ang Western Visayas, Calabarzon, Socksargen, Northern Mindanao, Central Visayas at National Capital Region.

Isa na ring global health issue ang dengue ngayong 2019 dahil sa cycle ng dengue virus infection na lumolobo ang bilang tuwing 3 taon.

“2019 worldwide is really shaping up to be with one those high burden years for dengue.” ani DOH Spokesperson Undersecretary Eric Domingo.

Samantala ngayong Biyernes (August 2), pupulungin ng DOH ang kanilang mga opisyal sa labibngpitong rehiyon upang matiyak na kontrolado at natutugunan ang problema sa dengue.

Paala ng doh, huwag nang hintaying pamugaran ng mga lamok na nagdadala ng dengue virus ang mga nakatenggang tubig sa paligid.

Panatilihing malinis ang kapaligiran at unahing bigyan ng proteksyon ang mga kabataan.

(Aiko Miguel | Untv News)

Tags: , ,