METRO MANILA – Mahigit 100% na, na mas mataas ang mga kaso ng dengue sa Pilipinas, mula January 1 – July 16 ngayong taon, kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Sa tala ng Department of Health umabot na sa 40,096 ang dengue cases as of July 16, 2022. 106% na mas mataas kaysa noong 2021.
319 na ang mga namatay dahil sa nasabing sakit ngayong taon, na katumbas ng 0.4% ng kabuoang bilang ng mga 2022 dengue cases.
Ayon sa DOH, karamihan sa mga kaso ay naitala sa Central Luzon, sinundan ng Eastern Visayas, at National Capital Region (NCR).
Dahil dito patuloy ang panawagan ng kagawaran sa publiko na sundin ang 4S strategy kontra dengue.
Kabilang na rito ang Search and destroy o pagpuksa sa mga pinamumugaran ng lamok;
Seek early consultation o agarang pagpapakonsulta sa unang paglitaw pa lang ng sintomas ng dengue;
Self protection measures gaya ng pagsuot ng damit na may mahahabang manggas. At support spraying o fogging.
Tiniyak naman ng kagawaran, na may dengue fast lane ang mga ospital at klinika sa bansa para sa mabilis na pag-diagnose at pagtugon sa dengue cases.