Demolisyon sa mga informal settlers, hindi papayagan kung walang maayos na paglilipatan at tiyak na kabuhayan – Pres. Elect Duterte

by Radyo La Verdad | May 27, 2016 (Friday) | 1528

DUTERTE
Pagtutuunang pansin ng Duterte administration ang karapatan ng mga informal settlers.

Ayon kay President Elect Duterte, kabilang sa kanyang polisiya at ikukunsidera bago i-relocate ang mga informal settlers ay ang pagbibigay sa kanila ng trabaho.

Malaking hamon sa matatapos ng aquino administration ay ang relokasyon ng mga informal settler sa Metro Manila.

Partikular na rito ang may 26 na libong pamilya na nakatira sa mga delekadong lugar tulad ng sa tabi ng mga estero o ilog.

Samantala, patuloy na naninindigan si Duterte sa posisyon ng Pilipinas pagdating sa usapin ng teritoryo sa West Philippine Sea.

Ito rin ang kaniyang sinabi nang magkaharap sila ng Chinese ambassador na si Zhao Jinhua sa Davao City.

Kaugnay pa rin ng pakikipag-ugnayan sa international community, nagkausap na rin sila ni Canadian Prime Minister na si Justin Trudeau noong martes ng hapon.

Sinabi ni Trudeau na nais niyang magpatuloy ang matibay na relasyon ng dalawang bansa.

Ayon kay Duterte, humingi na rin siya ng paumanhin sa Prime Minister dahil sa nasawing Canadian na napasakamay ng Abu Sayyaf Group.

(Nel Maribojoc/UNTV NEWS)

Tags: ,