Demand sa climate justice mula sa mga developed countries, iginiit ni Pres. Duterte sa 37th ASEAN Summit

by Erika Endraca | November 13, 2020 (Friday) | 677
Photo Courtesy: PCOO

METRO MANILA – Dumalo Kahapon (Nov. 12) si Pangulong Rodrigo Duterte sa plenary session ng 37th Summit ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Sinamantala ng punong ehekutibo ang pagkakataon upang maiparating sa ASEAN member countries ang pangangailangang mapaigting ang pagtutulungan para labanan ang epekto ng climate change.

Sakto ito sa naranasang matinding epekto ng bagyong Ulysses sa luzon kahapon (Nov. 12).

Ayon sa pangulo, mas dapat palakasin ang boses ng ASEAN upang i-demand sa mga developed countries ang climate justice.

“Developed countries must lead in deep and drastic cuts in carbon emissions. They must act now, or it would be too late. Or if i may say addedly, it is too late.” ani Pangulong Rodrigo Duterte.

Kaalinsabay ng suliranin sa kalamidad, muling iginiit ng pangulo na sa gitna ng nararanasang Covid-19 pandemic, dapat matiyak ng ASEAN na accessible para sa lahat ng mga bansa ang pagkakaroon ng epektibong bakuna kontra infectious disease.

Prayoridad din aniya ang health security at pagpapalakas sa health system sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na suplay ng medical supplies, technologies at pagsusulong ng early warning systems.

“We must work together to ensure that all nations – rich or poor – will have access to safe vaccines. No one is safe until all of us are safe.” ani Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa usapin naman ng South China Sea dispute, lakas loob na binigyang-diin ng punong ehekutibo na ang arbitral award na kinamit ng bansa laban sa china sa usapin ng agawan ng teritoryo ay dapat kilalanin ng lahat.

Kasabay nito ang paglilinaw na commited ang Pilipinas na maayos ang anumang sigalot sa pamamagitan ng mapayapang paraan at naayon sa international law.

Kaya dapat na aniyang magkaroon ng kasunduan at konklusyon sa epektibong South China sea code of conduct.

“The 2016 arbitral award on the South China sea is an authoritative interpretation of the application of UNCLOS. It is now part of international law. And its significance cannot be diminished nor ignored by any country, however big and powerful.” ani Pangulong Rodrigo Duterte.

(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: ,