Demand ng online English tutors sa Pilipinas, tumaas

by raymond lacsa | March 23, 2020 (Monday) | 4343

Tumaas ang demand sa mga online English tutor sa bansa bunsod ng pagsasara ng maraming paaralan dahil sa coronavirus disease pandemic.

Ayon sa online learning platform na 51Talk, simula pa noong Pebrero ay napansin na nila ang pagtaas ng bilang ng kanilang users o estudyante.

“Because of the outbreak , no one can leave their homes, they have to stay at home so our teachers normally would have maybe 6 lessons in a day, now it can be up to 24, so it’s a lot of lessons for them,” ang wika ni Jennifer Que, ang country head ng 51Talk sa Pilipinas.

Dagdag kita naman ito para sa mga online English instructors sa bansa. —Mirasol Abogadil



Tags: , ,