Delta variant ng COVID-19, 60% na mas nakakahawa kaysa Alpha variant – DOH

by Erika Endraca | June 17, 2021 (Thursday) | 11595

METRO MANILA – Itinatalagang variant of concern ang strain ng virus kapag may mga ebidensya ang mga siyentipiko na mas mabilis ang pagkalat,mas nakakahawa at sanhi ng mas malala o severe na sakit ng isang positibo sa COVID-19 ang isang COVID-19 variant.

Ayon sa US Centers for Disease Control And Prevention, ang Delta variant ay nakababawas din sa epekto ng gamot o bakuna kontra COVID-19.

Pinaniniwalaan din na bukod sa ito ang sanhi ng pagtaas ng kaso sa India kung saan ito unang natuklasan, ang Delta variant din ang nakitang dahilan ng mga eksperto sa paglobo rin ng kaso sa United Kingdom

Ayon kay Health Usec Maria Rosario Vergeire, mas nakakahawa pa ng 60% ang Delta variant kumpara sa Alpha variant na unang natuklasan sa United Kingdom.

“Iyong UK variant po noong unang lumaba sinabi nila na ito ay 50-60% more transmissible. So iyong exisiting po na variant natin ngayon for Sars-Cov2 dadagdagan niyo ng 60% more transmissible so talagang mabilis po ang pagkakahawa- hawa pero noong lumabas ang Indian variant it’s 60% more transmissible than the uk variant so it means that the exisiting variant that we have on top of UK and then there’s Indian variant sobrang bilis na po ng pagkakahawa- hawa” ani DOH Spokesperson Usec Maria Rosario Vergeire .

Patuloy din ang paglobo ng kaso sa UK dahil 90% ng kanilang COVID-19 variants ay ang Delta.

As of May 26, dito sa Pilipinas 13 ang Delta variant sa bansa. 2 sa kasong ito ay naitala mula sa returning OFW na may travel history sa India.

Nagpatupad na rin ang Pilipinas ng travel ban sa India at anim pang mga bansa na may kaso ng Delta variant.

Epektibo ito hanggang June 30 upang mapigilan ang pagpasok ng mas maraming kaso ng Delta variant sa Pilipinas.

May 10 nang isama sa listahan ng World Health Organization (WHO) sa variants of concern ang Delta variant.

Una sa listahan ang Alpha, Beta at Gamma at may mga kaso rin nito sa Pilipinas.

Paulit- uli man ang paalala ng DOH sundin ang mga umiiral na health protocols upang maputol ang hawaan ng COVID-19 at maiwasan ang pagdami ng COVID-19 variants saan mang dako ng bansa.

“Lagi natin tatandaan variants are produced if there is a host, kapag mataas ang kaso mas mdaming mag- mutate na virus mas maraming variants na ipo-produce pero kapag na- maintain natin na mababa ang kaso kakaunti lang ang kapasidad ng virus na mag- mutate pa siya at mag- produce pa ng further varinats” ani DOH Spokesperson Usec Maria Rosario Vergeire.

Samantala, wala pang kumpirmasyon ang DOH kung ang umiiral na dominant COVID-19 variant ngayon sa mga lugar na may mataas na kaso sa Pilipinas ay ang Delta variant.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: , ,