Delta Plus Variant, lalong makababawas sa bisa ng COVID-19 vaccine shots

by Erika Endraca | June 25, 2021 (Friday) | 3438

METRO MANILA – Ipinahayag ng mga health expert na posibleng mas makahawa ng mas maraming indibiduwal sa Delta Plus Variant.

“The threat is very serious because there’s a possibilty that it can affect the vaccine efficacy especially the current vaccines”ani DOST- VEP Member Infectious Disease Expert Dr Rontgene Solante .
Sa isang tweet ng isang epidemiologist at health economist na si Dr Eric Ding, ang Delta Plus ay nag- upgrade na bilang isang variant of concern.

Ibig sabihin, mas mabilis pa itong kumalat kumpara sa pinanggalingan nitong variant na Delta.

Makakapagdulot din ito ng mas malalang infection at nakababawas din ito sa bisa ng mga gamot upang mag- develop ng antibody response ang sa isang indibidwal.

Sinabi naman ni Dr Rontgene Solante,sa ibang bansa gumagamit ng monoclonal antibody para gamutin ang mga pasyenteng may COVID-19 upang hindi lumala ang kanilang kondisyon

“This monoclonal antibody will block the COVID virus so that it will decrease its ability to multiply so from that aspect, if you have a patient with mild COVID and you have a monoclonal antibody, your risk of progressing from moderate to severe is cut from 70-80% and that has been used in the us for mild cases highly vulnerable, immunocompromised and those with comorbidities “ ani DOST- VEP Member Infectious Disease Expert Dr Rontgene Solante.

Nguni’t lumalabas aniya na nababawasan ang bisa nito dahil sa Delta Plus Variant.

“That additonal mutation is also related to higher transmissibility or can reduce the efficacy of some of the vaccines including the treatment using the monoclonal antibodies so that makes it more higher, dangerous” ani DOST- VEP Member Infectious Disease Expert Dr Rontgene Solante.

Ayon pa kay Dr Solante, posibleng kailanganin ng booster shot ng mga tao dahil mas mabagsik ang Delta Plus Variant.

Sa ngayon, pinag- aaralan pa rin ang pagbibigay ng booster shot ng mga bakuna maging ang mix and match ng COVID-19 vaccine sa iba’t ibang panig ng mundo.

Ayon sa Department of Health, bukas ang mga ekspertong Pilipino na pagbasehan ang mga pag- aaral ng mga iba’t ibang bansa.

Kabilang din dito ang pag- aaral sa pagbibigay booster shot sa mga fully vaccinated na

Payo ng mga eksperto, nakababawas man sa efficacy rate o bisa ng mga bakuna ang mga COVID-19 variants

May proteksyon pa ring maibibigay ang mga covid-19 vaccines, anomang brand ang mga ito kontra sa mga umiiral na covid-19 variants

Kaya paanyaya ng mga eksperto, magpabakuna na.

“In order to prevent mutations is to really vaccinate as much as possible and as fast as we can.” ani DOST- VEP Member Infectious Disease Expert Dr Rontgene Solante.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: ,