Delfin Lee, planong makipag-usap sa mga opisyal ng Pag-IBIG Fund matapos makapag-bail sa kasong estafa

by Radyo La Verdad | September 25, 2018 (Tuesday) | 4542

Kaagad na nakipagpulong ang housing developer na si Delfin Lee kay Mabalacat Mayor Crisostomo Garbo at  homeowners ng Xevera community, matapos pansamantalang makalaya noong Huwebes nang magbayad ito ng piyansa para sa kasong estafa.

Sinabi ng Globe Asiatique Owner na nais niyang makipagpulong sa mga opisyal ng Pag-IBIG Fund upang ayusin ang mga isyu para na rin sa ikapapanatag ng homeowners.

Muli ring iginiit ni Lee na walang nangyaring double sale o anomalya sa mga bahay na kaniyang ipinatayo.

Taong 2011 nang sampahan ng kasong syndicated estafa si Lee dahil sa umano’y halos 7-billion pesos housing scam ngunit nitong Hulyo, ibinaba ng Korte Suprema ang kaso sa simple estafa.

Suspendido naman ang mga proceedings ngayon ng kaso ni Lee. Kinakailangang antayin muna ang amended na impormasyon mula sa Department of Justice o complaint para sa kaso nitong simple stafa.

 

( Leslie Huidem / UNTV Correspondent )

Tags: , ,