Delegasyon ng Pilipinas, dumipensa sa EJK issue sa U.N. Human Rights Council

by Radyo La Verdad | May 9, 2017 (Tuesday) | 1174


Pinangunahan ni Senator Alan Peter Cayetano ang delegasyon ng Pilipinas sa pagharap ng sa United Nations Human Rights Council kahapon sa Geneva, Switzerland.

Ito ay kaugnay ng UN Council’s Universal Period Review para sa human rights records ng Pilipinas.

Dito idinepensa ng delagasyon ang war on drugs ng Administrasyong Duterte na binabatikos ng UN at ng iba pang bansa.

Binigyang diin din ni Senator Cayetano ang pagsunod sa rule of law ng pamahalaan.

Pinuri naman ng Human Rights Council members state ang 10 socio-economic agenda ng Duterte Administration at kung paano tumutugon ang pamahaalan upang resolbahin ang kahirapan.

Sa kabila nito, ilang rekomendasyon ang inihayag ng council.

Kabilang rito ang pag-abolish sa panukalang pagbabalik sa death penalty at iwasang ibaba ang age of criminal responsibility sa bansa.

Gayundin ang pagbibigay ng hustisya sa mga napatay kaugnay sa pinaigting na kampanya kontra illegal drugs.

Tiniyak naman ng Philippine delegation sa Human Rights Council na handa ang pamahalaang Pilipinas na maresolba ang anumang banta sa karapatang pantao ng mga Pilipino.

Tags: , ,