Nilagdaan ng mga pinuno ng 10 miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang isang deklarasyon upang buuin ang “ASEAN community” na naglalayong mapalakas pa ang kalakalan sa rehiyon.
Nilagdaan ng mga lider ang naturang deklarasyon sa Kuala Lumpur, Malaysia kasabay ng ginanap na ASEAN summit.
Layunin ng deklarasyon ang pagtatag ng “truly rules-based, people-oriented, people-centered ASEAN Community where our peoples continue to participate in and benefit fully from the on-going process of ASEAN integration and community building.”
Tags: Asean