Defense Sec. Delfin Lorenzana, tiniyak na ‘di na mauulit ang Marawi siege

by Radyo La Verdad | May 25, 2018 (Friday) | 5607

Pinangunahan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang pagtatapos ng komemorasyon kahapon, kasama si AFP chief of staff Carlito Galvez Jr.

Sa komemorasyon ay muling ipinabatid ng mga opisyal ang kanilang determinasyon upang makabangon ang Marawi mula sa pagkakalugmok.

Binigyang-diin ni Secretary Lorenzana ang pagsisimula ng rehabilitation sa ika-21 ng Hunyo at tiniyak na matatapos ito sa taong 2021.

Ayon pa sa kalihim, maraming investors ang gustong maglagak ng kanilang puhunan sa Marawi oras na matapos ang rehabilitasyon nito.

Ipinangako ni Lorenzana ‘di na mauulit pa ang nangyaring kaguluhan, di lamang sa Marawi kundi pati na rin sa buong Mindanao.

Ayon pa kay Lorenzana, sa paggunita ng liberation ng Marawi City, pupunta at makikiisa si Pangulong Rodrigo Duterte at hindi sa araw kung kailan ito kinubkob.

Hindi na aniya kinakailangang gunitain ang Mayo a-bente tres, o ang araw na nagdeklara ang pangulo ng batas-militar sa buong Mindanao dahil sa pag-atake ng Maute-ISIS group.

 

( Raymond Octobre / UNTV Correspondent )

Tags: , ,