Kinumpirma ng Malaysian Transport Ministry na bahagi ng nawawalang Malaysia airlines jet MH370 ang natagpuang aircraft debris sa Tanzania noong Hunyo.
Sinuri ng mga opisyal ng Australian Transport Safety Bureau sa Canberra ang outboard flap noong Hulyo upang malamang kung mula nga ito sa nawawalang eroplano.
Samantala, sinusuri rin ng mga imbestigador ang iba pang mga piraso ng debris na natagpuan sa Mozambique, South Africa at Rodrigues Mauritius.
Ang Boeing 777 aircraft ay nawala noong March 2014 lulan ang higit 200 pasahero at crew matapos lumipad sa kuala lumpur, Malaysia patungong Beijing.
Tags: Debris na nakita sa Tanzania, kumpirmadong mula sa nawawalang MH370