Umabot na sa 41 ang namatay sa magnitude 7.3 na lindol sa Southern Japan noong Sabado, isang araw matapos ang magnitude 6.5 na lindol noong nakaraang Huwebes.
Pinaniniwalaang marami pa ang naipit sa mga gumuhong gusali.
Ilang bahay, kalsada at riles ng tren ang natabunan ng tone-toneladang putik ng gumuho ang gilid ng isang bundok dahil sa lindol.
Ilang beses din na itinigil ang search and rescue operations dahil sa mga aftershocks.
Mahigit sa 350 aftershocks na ang naitala mula pa noong Huwebes.
Mahigit siyamnapung libong tao na ang mga nasa evacuation centers sa komamoto prefecture.
Saamantala, umabot sa mahigit isang daang metro ang taaa ng usok na ibinuga ng Mt. Aso.
Ayon sa Japanese Meteorological Agency, nananatili na nasa alert level 2 ang bulkan.
Hindi pa malinaw kung may kinalaman ang pagsabog ng Mt. Aso sa dalawang malakas na lindol na naranasan sa Southern Japan.
Tags: 41, death toll, lindol sa Japan