METRO, MANILA – Nadadagdagan araw araw ang mga nasasawi dahil sa 2019- Novel Coronavirus Acute Respiratory Disease (nCoV-ARD).
Sa pinakahuling tala ng mga otoridad, umabot na sa 427 ang nasawi dahil sa 2019 Novel Corona Virus sa buong mundo. 425 dito ay sa China habang isa sa Pilipinas at isa sa Hong Kong.
Pero ayon sa WHO, pababa na ang mortality rate o ang bilang ng mga nasasawi sa mga nahawaan ng naturang virus.
Katunayan, mas mababa ang mortality rate ng 2019-nCoV-ARD na nasa 2% lamang kumpara sa 10% ng SARS at 37% ng MERS- COV.
“The death rate now is at 2% so the death rate is going down beause we are testing more people who are less severely affected, who have mild symptoms and in this scenario we are seeing that the percentage of death is about 2%” ani WHO Country Representative Dr Rabindra Abeyasinghe.
Umabot na rin sa mahigit 20,000 ang kumpirmadong kaso ng nCoV sa 23 bansa sa buong mundo, pinakamarami dito ay mula sa China. Dito naman sa pilipinas, dalawa na ang kumpirmadong kaso at isa ang nasawi.
Sa tala ng Department Of Health (DOH) umabot na sa 105 ang Patients Under Investigation (PUI). 90 sa mga PUI Ang nasa pagamutan, 12 ang nakalabas na ng ospital
Kabilang sa mga rehiyong may PUI ang Ilocos Region, Car, Central Luzon, NCR, Calabarzon, Mimaropa, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Northern Mindanao at Davao.
Naniniwala rin ang WHO na sa pagtutulungan ng mga bansa at mga ahensya ng pamahalaan, mapipigilan ang local transmission ng nCoV.
“We still believe that this outbreak can be controlled like the previous two coronavirus outbreak of SARS and Mers Cov “ ani WHO Country Representative Dr Rabindra Abeyasinghe.
Sa pag- aaral ng WHO, 70% ng mga kinapitan ng nCoV ay edad 40 taong gulang pataas, karamihan ay mga lalaki dati nang may sakit.
(Aiko Miguel | UNTV News)
Tags: Novel coronavirus