Death penalty bill na nakatakdang ihain bukas sa Senado, umani ng suporta sa ilang baguhang senador

by Radyo La Verdad | June 29, 2016 (Wednesday) | 2500

SOTTO-LACSON
Sisimulan na bukas nina Senador Vicente Sotto The Third at Panfilo Lacson ang paghahain ng panukalang batas na ibalik ang parusang bitay.

Kasama ang bill sa priority measures ng Duterte administration laban sa kriminalidad.

Naniniwala sina Senador Lacson at Sotto na ang death penalty bill ay solusyon upang masugpo ang kaso ng iligal na droga sa bansa at mapanagot ang mga gumagawa ng heinous crimes.

Lethal injection ang bersyon ng death penalty bill nina Senador Sotto at Lacson.

Pabor ang ilang baguhang senador sa panukala.

Bukas naman si Senador Sonny Angara na pag-aralan ang mga nasabing bill.

Ayon naman kay Senate President Franklin Drilon, nakahanda ang senado na pagdebatehan ito.

Naniniwala sya na ang unang isyung dapat masolusyunan ay kung epektibo ba ang justice system ng bansa.

Si Drilon ay Senate President ng ma-abolished ang death penalty.

Itoy naabolish sa pamamagitan ng 1987 constitution sa ilalim ni dating Presidente Corazon C. Aquino.

1993 naman ng pangunahan ni dating Pangulong Fidel V. Ramos ang re-imposition nito nguni’t walang naisalang sa execution.

1999 naman nang may maparusahan ng bitay sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Joseph Estrada.

Nguni’t tuluyang hindi ipinatupad ang capital punishment sa ilalim ni dating Pangulong Gloria Arroyo noong 2006.

Kung may mga naghayag na ng suporta, meron ding tumututol rito.

Si Senator-elect Risa Hontiveros, tiniyak na tututulan nya ang death penalty bill kahit na kabilang sya sa majority bloc.

Kabilang rin si Senator-elect Leila De Lima sa tutol na ibalik ang capital punishment sa bansa.

Sa Lower House naman nakahanda na ring maghain ng kaparehong bill si Congressman-elect Ruffy Biazon.

(Bryan De Paz / UNTV Correspondent)

Tags: , ,