Sisimulan na ngayong araw nina Senador Vicente Sotto the third at Panfilo Lacson ang paghahain ng panukalang batas na magbabalik ng death penalty sa bansa.
Naniniwala ang mga senador na ito ang solusyon upang mapababa ang kaso ng illegal na droga at karumal-dumal na krimen sa bansa.
Samantala, pabor naman ang ilang baguhang senador sa panukalang parusang bitay sa pamamagitan ng lethal injection.
Matatandaang isa ito sa priority measures ng Duterte administration laban sa kriminalidad.
(UNTV RADIO)
Tags: lethal injection
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com