Deadline sa pagsusumite ng SOCE, pinalawig ng COMELEC hanggang June 30

by Radyo La Verdad | June 17, 2016 (Friday) | 1067

SOCE
Sa pitong miyembro ng COMELEC En Banc, apat na commissioner ang bumoto pabor sa pagpapalawig ng extension sa pagsusumite ng Statement of Contributions and Expenditures o SOCE.

Ang mga pumabor sa extension ng deadline ay sina Commissioner Arthur Lim, Al Parreño, Sheriff Abas at Rowena Guanzon.

Habang hindi naman pumayag na palawigin pa ang deadline sina Commissioner Christian Robert Lim, Luie Tito Guia at mismong si COMELEC Chairman Andres Bautista.

Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez, naging matimbang para sa mga bumoto pabor sa extension ng deadline ang dami ng mga maapektuhan o hindi makakaupong kandidato dahil hindi nakaabot sa naunang June 8 deadline.

Sa tala ng COMELEC, 5 Senador, 150 Congressman, 40 Gobernador ang hindi makakaupo sa pwesto kung walang ibibigay na extension.

Hindi pa kasama rito ang iba pang kandidato na nanalo sa lokal na posisyon.

Paliwanag din ng tagapagsalita ng COMELEC, aplikable sa lahat ang extension at hindi ito para lamang sa Liberal Party.

(Victor Cosare/UNTV NEWS)

Tags: