Deadline sa pagfile ng eBIR forms, hiniling na ipagpaliban dahil hindi umano gumagana ang website para sa paghain ng ITR

by dennis | April 10, 2015 (Friday) | 2163
File photo: UNTVweb
File photo: UNTVweb

Hiniling ng grupong Tax Management Association of the Philippines(TMAP) na ipagpaliban ang deadline dahil hindi pa malinaw sa publiko ang ipinatupad na Electronic Filing and Payment System (eFPS) at Electronic BIR Forms (eBIR Forms).

Ayon sa TMAP, kulang sa taxpayer education at magkakasalungat pa ang pahayag ng mga Revenue District Office na nagbubunga ng kalituhan sa publiko, bukod pa ang kahandaan ng eBIR facility dahil under construction pa ang website.

Nagbigay naman ng alternatibong website ang BIR para makapagsumite ng accomplished electronic forms ang mga taxpayer. Maaaring ma-access ng mga taxpayer ang mga sumusunod na website:

https://www.knowyourtaxes.ph
https://www.dof.gov.ph
DropBox: http://bit.ly/1luMLj
Direct link: http://ftp.pregi.net/bir/ebirforms_package_v4.7.07_ITRv2013.zip

Mga indibiduwal o grupo na dapat maghain ng eBIR forms ay ang accredited tax agents, accredited printers, one-time transaction taxpayers, “no payment” return, government-owned or controlled corporations (GOCCs), at local government units (LGUs) maliban sa barangay at kooperatiba.

Ang deadline ng pagsusumite ng ITR para sa taxable year 2014 ay ngayong Abril 15. Sinumang mabibigo na makapaghain ng ITR sa itinakdang deadline ay pagmumultahin ng P1,000 kada return dagdag pa rito ang 25% surcharge sa tax.

Tags: , , , ,