DDB Chair Dionisio Santiago, nagresign

by Radyo La Verdad | November 8, 2017 (Wednesday) | 1738

Kinumpirma sa UNTV ni Dangerouos Drugs Board Chief Dionisio Santiago ang kaniyang irrevocable resignation bagamat hahayaan na lamang niya ang palasyo na mag-anunsyo nito.

Nag-ugat marahil ang pagkadismaya ng palasyo sa pahayag ni Santiago patungkol sa naitayong Drug Rehabilitation Center sa  Nueva Ecija.

Ayon sa mga source, sinabihan si Santiago ni Executive Secretary Salvador Medealdea na bumaba na sa pwesto dahil ito raw ang nais ng Pangulo kung kaya’t tumalima agad si Santiago. Nagpasa na raw ng DDB strategic plan si Santiago sa palasyo bago pa man siya nagbitiw sa pwesto.

Ngunit bago pa man ang pahayag na ito ni Santiago, sinabi nito sa Get it Straight with Daniel Razon na nais niyang  isulong ang community-based rehabilitation centers kung saan mas malapit sa kanilang mga pamilya ang mga nalulong sa ipinagbabawal na gamot.

At kung mawawala siya sa pwesto, isa lamang ang ibig sabihin nito, tinaggal siya sa pwesto. Maaring isapubliko ng Pangulo ang pagbibitiw ni Santiago sa kaniyang mga talumpati.

 

( Mirasol Abogadil / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,