DBM, tiniyak na magiging transparent ang paggastos ng P5.7-t national budget

by Radyo La Verdad | December 26, 2023 (Tuesday) | 560

METRO MANILA – Siniguro ng Department of Budget and Management (DBM) na magiging transparent ang paggastos ng P5.768-T na national budget para sa taong 2024.

Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, bahagi ito ng mandato ng ahensya para maabot ang development goals ng bansa.

Prayoridad aniya sa 2024 national budget ang responsableng debt management at pagsuporta sa post pandemic recovery ng bansa na nakabatay sa medium-term fiscal framework.

Batay sa projection ng ahensya, maibababa na sa higit 5% ang deficit sa budget sa 2024 mula sa 6.1% ngayong 2023.

Habang sa 2028 naman ay nasa 3% na lang ang magiging deficit ng pambansang pondo na nangangahulugan sa mas konting pag utang ng pamahalaan