Nag-isyu na ng Budget Call ang Department of Budget and Management sa mga ahensya at kagawaran ng gobyerno bilang hudyat sa proseso ng budget preparation sa susunod na taon.
Inilabas ito sa ilalim ng National Budget Memorandum No. 125 na naglalaman ng budget preparation guidelines at mga procedure para sa pagbuo at pagpapasa ng budget proposals ng mga ahensya sa susunod na taon.
Ayon kay Budget Secretary Butch Abad, dapat mapanatili sa naturang Budget Call ang Two-Tier Budget Approach (2TBA) na sinunod noong nakaraang taon.
Ito ang naghihiwalay sa evaluation ng proposals ng mga ahensya sa ongoing projects at sa bagong proposals at expansion sa ongoing projects.
Layon nito na mapaluwag at maayos ang decision-making process sa dalawang uri ng programa.
Base sa Budget Call, priyoridad ng mga ahensya ang paglalaan ng pondo sa mga local infrastructure projects gaya ng kalsada, mga tulay, pantalan at paliparan.
Ang bulto ng pondo sa 2017 ay ilalaan sa mga proyektng imprastraktura dahil sa naturang taon ay inaasahang matatapos ang construction at pag-upgrade sa national roads at mga tulay sa bansa.
(Jerico Albano / UNTV Radio Reporter)
Tags: Budget Call, taong 2017