DBM, naglaan ng P31.8B para sa pagpapatayo ng 20K classrooms

by dennis | June 16, 2015 (Tuesday) | 5216
File photo: UNTVweb.com
File photo: UNTVweb.com

Naglabas na ng P31.8 bilyong piso ang Department of Budget and Management (DBM) para sa Department of Public Works and Highways (DPWH) upang ipatupad ang panukalang kontruksyon o rehabilitasyon ng 22,325 na class room sa buong bansa para sa implementasyon ng K-12 program.

Ayon kay Budget Secretary Florencio” Butch” Abad, taon-taon ay nangangailangan ng karagdagang silid-aralan dahil sa lumalagong bilang ng mga mag-aaral sa pampublikong paaralan.

Target na maipagawa ang karamihang silid-aralan sa mga rehiyon VII, VIII at IV-A.

Layunin ng proyekto na maayos na maipatupad ang K-12 program at makalikha ng ligtas at maayos na lugar para sa mga mag-aaral sa ilalim ng “Build-Back-Better” policy ng pamahalaan.(Joms Malulan/UNTV Radio)

Tags: , , ,