Nais ni incoming Department of Labor and Employment Secretary Silvestro Bello na masimulan na ang dayalogo sa sektor ng pangggawa at iba pang stakeholders upang pag-aralan ang maaring lumabas na mga problema sa pagpapatupad ng “no contractualization” at planong pagtataas ng sweldo ng mga manggagawa.
Ayon kay Bello, nais ng incoming administration na magkasundo ang business managements at labor groups sa usapin na ito.
Hindi rin s’ya naniniwalang ang pagiging regular o pagtaas ng sahod ng mga empleyado ang magiging dahilan ng pagkalugi o pagbagsak ng isang negosyo.
Sa halip ito ay sa kapakinabangan ng isang kumpanya.
Pinaliwanag rin ni Bello na ang karapatan ng isang empleyado na ma-regular sa trabaho ay nakasaad rin naman sa resolusyon ng DOLE.
Samantala, tiniyak naman ni Bello ang proteksyon ng estado sa lahat ng manggagawa, sakali mang kulangin ang oportunidad sa Pilipinas o magdesisyon man ang isang pilipino na mangibang bansa upang magtrabaho.
(Nel Maribojoc/UNTV Radio)
Tags: contractualization, incoming Department of Labor and Employment Secretary Silvestro Bello