Sinimulan na ng maraming pamilya sa ilang lugar sa Marawi City ang pag-aayos ng kanilang mga tahanan matapos ang limang buwang bakbakan sa siyudad.
Ngunit problema ng ilang pamilya kung kanino maaaring iwan ang kanilang maliliit na anak habang nagsasagawa sila ng paglilinis.
Dahil dito, hiniling ng lokal na pamahalaan ng Lanao del Sur na magkaroon ng Day care center sa mga temporary shelter sa Marawi City.
Ayon kay Lanao del Sur Vice Governor Mamintal Bombit Adiong, problema rin ang kawalan ng magtuturo sa mga bata.
Nakahanda naman ang Department of Social Welfare and Development sa pagtugon ng pangangailangan ng mga evacuee hindi lamang sa material na bagay.
Naunang nabanggit ni Leyco na mayroong sapat na pondo ang ahensiya upang tugunan ang lahat ng kanilang mga pangangailangan.
( Weng Fernandez / UNTV Correspondent )