Inumpisahan na ngayong araw ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA ang pagsasagawa ng drug testing sa mga opisyal ng Davao City.
Nasa dalawamput apat na city councilors ang sumailalim sa mandatory drug test kabilang na rito si Vice Mayor Paolo Duterte.
Ayon kay Majority Floor Leader Councilor Bernard Al-Ag, oras na magpositibo ang isang government official sa drug test ay kaagad itong papatawan ng administrative sanction.
Mamayang alas dose inaasahang ilalabas ang resulta ng drug test.
(Janice Ingente / UNTV Correspondent)
Tags: Davao VM Paolo Duterte at mga city councilor, mandatory drug testing