Davao City Vice Mayor Paolo Duterte, nagresign na sa pwesto bilang pangalawang alkalde ng lungsod

by Radyo La Verdad | December 25, 2017 (Monday) | 2930

Ang pagkakadawit ng kaniyang pangalan sa 6.4 billion pesos shabu smuggling sa Bureau of Customs, pakikipag sagutan sa kaniyang anak na si Isabelle sa social media at ang hindi matagumpay niyang relasyon sa kaniyang unang asawa ang nilalaman ng ipinalabas na pahayag ni Presidential son at Davao City Vice Mayor Paolo Duterte na dahilan sa pagbibitiw sa pwesto bilang vice mayor ng lungsod.

Aniya, kailangan niyang protektahan ang kaniyang dignidad gayun din ang kaniyang pamilya.

Ayon naman kay Davao City Mayor Sara Duterte – Carpio, nirerespeto niya ang desisyon ng kaniyang kapatid lalo na’t binabaggit nito ay ukol sa delicadeza at karangalan.

Sinabi rin ng alkalde na tanging ang Office of the President lamang ang pwedeng makapag-desisyon kung tatanggapin ang resignation ng vice mayor.

Pansamantalang hahalili kay Vice Mayor Paolo Duterte si Councilor Bernard Al-Ag, habang ang mga staff naman ng bise alkalde ay malilipat lahat sa Office of the Mayor.

 

( Janice Ingente / UNTV Correspondent )

Tags: , ,