Sa social media post ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, sinabi niyang dapat na umanong i-expel sa Kamara ang Makabayan Bloc.
Ayon sa alkalde, ginawa ng “milking cow” ng mga terorista ang party-list system.
Nag-ugat ito sa pahayag ng sa ACT Teachears Party-list na sa lahat umano ng malalaking lungsod sa bansa, ang Davao City na lang ang hindi nagbibigay ng local allowance para sa mga guro.
Ayon kay ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio ang ibang LGU umano ay kusa nang nagbibigay ng local allowance kabilang na ang Makati, Mandaluyong, Pasig, Makirina at iba pang lungsod gaya ng Bacolod, Cebu, Cagayan De Oro, General Santos at iba pa.
Pero sa post ni Mayor Sara, sinabi niyang noong Disyembre 2016 at 2017 nagbigay ang Davao City ng 2-libong pisong gift cheques sa lahat ng teaching at non-teaching employees ng DepEd.
Tinawag niyang terorista at sinungaling ang ACT Teachers Davao.
Aminado ang ACT Teachers Party-list na wala sa batas ang pagbibigay ng local allowance sa mga guro pero giit nila kung nagagawa ng ibang lungsod na magbigay ng ayuda o tulong sa mga guro mas kaya itong gawin ng Davao City.
Ito naman ang sagot ni Tinio sa panawagan ng Presidential daugther na patalsikin sila sa Kamara.
“Pareho sila ng AFP lalo na sa pagpapalaganap nila ng fake news na Red October, dyan patungo yan.” – pahayag ni ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio
( Grace Casin / UNTV Correspondent )